Nag-alok na ang European Union (EU) ng libreng COVID-19 vaccines sa China para maagapan ang panibagong pagsipa ng kaso ng COVID-19.
Nakipag-ugnayan na si EU Commissioner For Health And Food Safety Stella Kyriakides sa kanyang Chinese Counterparts para i-alok ang variant-adapted vaccine donations.
Bukod dito, nag-alok din ang EU ng Public Health Expertise para tulungan ang China.
Matatandaang iniulat ng United Kingdom based health data firm na Airfinity na tinatayang nasa siyam na libong katao ang namamatay sa China kada araw dahil sa bagong COVID-19 surge.
Sa kabila nito ay nagluwag ng restrictions ang Chinese Government at isinantabi ang kontrobersyal na “Zero Covid Policy.”