dzme1530.ph

EU Commission, nakikitang gumaganda na ang human rights condition sa Pilipinas —DTI

Inihayag ng Dep’t of Trade and Industry na nakikita ng European Commission na gumaganda na ang sitwasyon ng human rights sa Pilipinas.

Ito ay sa pagtatapos ng tatlong linggong investment roadshow ng Pilipinas sa Europa, kung saan nalikom ang P73-B na halaga ng investment leads.

Ayon kay Trade sec. Alfredo Pascual, lumagda na ang bansa sa International Conventions sa human rights, labor rights, proteksyon ng kapaligiran, at iba pa.

Layunin nitong matugunan ang mga obligasyon upang mapanatili ang Generalised Scheme of Preferences plus ng EU sa bansa, o ang pagbibigay ng incentives tulad ng pagbabawas ng taripa sa exports. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author