dzme1530.ph

Ethics and Privileges Committee, hindi naging patas sa pagsuspindi kay Cong. Arnie Teves —Panelo

Pinuna ng isang magaling na abogado at dating chief presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo ang ginawang pagtrato ng mga kapwa kongresista sa kanilang kabaro na si Cong. Arnie Teves.

Sa kanyang kolum, pinansin ni Panelo ang hindi naging patas na hatol ng Ethics and Privileges Committee sa pagpataw ng 60 araw na suspensiyon sa kabila na pagnanais nito magpaliwanag sa pamamagitan ng zoom appearance.

Bunga nito, kinutya ni Panelo ang mga kongresista na aniya ay niloloko ang kanilang sarili sa pagsasabing ang hatol ay bunga ng mahigpit at malalimang imbestigasyon.

Kasunod nito, ipinaalala ni Panelo ang nilalaman ng “Section 1, Article III o ang Paghahayag ng Karapatang Pangtao sa Saligang Batas na aniya ay nilabag ng mga mambabatas.

Ayon sa probisyong ito ng Saligang Batas, walang sino man ang dapat pagkaitan ng buhay, kalayaan o ari-arian nang walang angkop na proseso ng batas.

About The Author