Itinaya ng Dep’t of Budget and Management sa P5.76-T ang proposed national budget sa 2024.
Ayon kay Budget sec. Amenah Pangandaman, nasa final stage na ang mga preparasyon sa 2024 expenditure program, at nai-presenta na rin ito kay Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Sinabi pa ni Pangandaman na natapos na ang marathon meetings kaugnay ng budget request ng mga ahensya ng gobyerno, at nakatakda na rin itong i-presenta sa gabinete ngayong araw para sa final approval.
Ang P5.76-T ay mas mataas ng 9.5% sa P5.26-T budget sa kasalukuyang taon.
Tiniyak naman ng DBM na alinsunod sa direktiba ng Pangulo, patuloy na tututukan sa 2024 budget ang edukasyon, imprastraktura, agrikultura, livelihood programs, kalusugan, at digitalization. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News