dzme1530.ph

Estado ng Official Development Assistance ng Japan sa Pilipinas, tatalakayin ng Pangulo at ng Japan PM

Tatalakayin nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang estado ng Official Development Assistance ng Japan sa Pilipinas.

Ito ay sa bilateral meeting ng dalawang lider sa nakatakdang dalawang araw na pag-bisita ng Japanese PM sa bansa mula bukas hanggang Sabado.

Ayon sa Malakanyang, pag-uusapan nina Marcos at Kishida ang economic at people-to-people relations ng dalawang bansa.

Tatalakayin din ang usapin sa trade and investment.

Matatandaang sa State Visit ng Pangulo sa Japan noong Pebrero, nakalikom ito ng $13 billion na halaga ng investment pledges. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author