dzme1530.ph

Eskwelahan, pinapayagang magsuspinde ng klase dahil sa init —DEPED

Ipinaalala ng Department of Education na maaring magsuspinde ang mga paaralan ng Face-to-Face classes at lumipat sa Modular Distance Learning bunsod ng matinding init at brownout na naranasan sa ilang bahagi ng bansa.

Ipinakita ni DepEd spokesperson Michael Poa ang kopya ng memo na inisyu sa mga pinuno ng public at private schools noong April 20, na nagpapaalala sa kanilang otoridad at responsibilidad sa pagsususpinde ng in-person classes at paglipat sa alternative delivery modes.

Ipinaliwanag ni Poa na iba-iba ang sitwasyon sa mga paaralan kaya ang mga school heads ang nagde-determina kung papapasukin ng face-to-face ang mga mag-aaral, dahil ayaw din naman nilang makaapekto sa kalusugan ng mga bata ang napakainit na panahon.

Sa survey ng Alliance of Concerned Teachers, lumitaw na mayorya ng mga guro sa bansa ang nagsabing hirap ang mga estudyante na makapag-focus sa kanilang pag-aaral bunsod ng mainit at maalinsangang panahon.

About The Author