dzme1530.ph

ERC may paglilinaw ukol sa pagpapatupad ng moratorium kaugnay sa adjustment ng bill deposit

Nilinaw ng Energy Regulatory Commission(ERC) na nagpatupad ito ng moratorium kaugnay sa adjustment ng bill deposit noong 2020, dahil sa mga restriksyon noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Nabatid na naglabas ng abiso ang Meralco hinggil sa paniningil ng bill deposit, na nagdulot ng kalituhan sa mga konsyumer.

Sa panayam ng DZME 1530-Radyo Uno, ipinaliwanag ni ERC Chairperson Atty. Monalisa Dimalanta na may ganitong programa ang lahat ng distribution utilities at electric cooperatives kung saan, ang MERALCO ay nagtatag ng kanilang bill deposit program noong 2012.

Nagkaroon lang po ng parang kaguluhan, naalala po natin noong pandemic, nag-issue po si ERC noong 2020 ng moratorium on adjustement in bill deposit dahil nagkaroon po tayo ng estimated billing, may period na hindi nakakalabas yung mga meter reader, nag-estimate lang po ng billing so unfair naman po na magkaroon ng adjustment ng bill deposit kung estimated billing lang ang nilalabas ng utilities.

So ang ginawa po ni erc sabi niya noong 2020, wala munang adjustments on bill deposits dahil sa limitation ng mobility ng tao.

Dagdag pa ni Dimalanta mayroong mga konsyumer ang Meralco na lumiham sa electric company na nagpapa-refund ng bill deposit.

Mayroon din programa na bill deposit refund, consumer kayo na maayos yung pagbabayad niyo on time and always full for 3-years straight, dapat po nire-refund yung bill deposit.

Noong pong 2023, ni-lift na po ng ERC yung moratorium, pwede na uling mag adjust ng bill deposit kasi nakikita na nating totoong billing na at nababasa na, normalized na ang sitwasyon.

Ngayon po si Meralco i think starting 4th quarter of last year, pinatupad na po niya ulit yung adjustment on bill deposit yun din naman po ang utility nakapag-refund na nong ibang bill deposit sa mga consumer…so I think yun po ang nangyayari ngayon sort of nag ka-catch up on adjustment ng bill deposit…

‘yan ang tinig ni ERC Chairperson Atty. Monalisa Dimalanta. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author