dzme1530.ph

Enrollment period sa mga pampublikong paaralan sa bansa para sa S.Y 2023-2024, umarangkada na

Umarangkada na ang enrollment period sa mga pampublikong paaralan sa bansa para sa School Year 2023-2024, tatlong linggo bago ang opisyal na pagbubukas ng klase sa Aug. 29, ayon sa Dept. of Education.

Base sa DepEd Order 22 na nilagdaan ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte, magsisimula ang enrollment para sa upcoming Academic Year ngayong araw, Aug 7 hanggang 26.

Inaasahan naman ng kagawaran na aabot sa 28.8 million ang mag-e-enroll sa naturang school year, mas mataas kumpara sa 28.4 million na mag-aaral na naka-enroll sa 44,931 public schools at 12,162 private schools noong nalipas na Academic Year. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author