Aarangkada na sa Lunes, Aug 9, ang official enrollment period sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa para sa School Year 2023-2024.
Batay ito sa Dep’t. of Education Order no. 22 series of 2023 o ang implementing guidelines para sa school calendar and activities sa naturang S.Y. na nilagdaan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte.
Inaasahan na ang Schools and Community Learning Center (CLCs) ang magpapasilidad ng proseso ng pagpaparehistro ng mga mag-aaral sa Learner Information System (LIS) matapos isumite ang mga kinauukulang dokumento.
Una nang inanunsyo ng kagawaran na magsisimula sa Aug. 29 at magtatapos sa June 14 sa susunod na taon ang S.Y. 2023-2024. —sa panulat ni Airiam Sancho