dzme1530.ph

El Niño, hindi magdudulot ng malaking epekto sa ekonomiya ayon sa NEDA!

Kampante ang National Economic and Development Authority na hindi magdudulot ng malaking epekto sa ekonomiya ang El Niño o matinding tagtuyot.

Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, ang kasalukuyang El Niño ay nakikitang hindi magiging sing-lala ng epekto sa ekonomiya ng El Niño noong 1997 hanggang 1998, partikular sa agrikultura.

Gayunman, aminado si Balisacan na mas mararamdaman ang epekto ng El Niño sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Kaugnay dito, tiniyak ng NEDA ang maagap at agarang aksyon ng gobyerno upang maagapan ang posibleng pagsipa ng mga presyo.

Mahigpit ding tututukan ng inter-agency committee on inflation and market outlook ang sitwasyon at gagamitin nito ang lahat ng trade policy tools ng pamahalaan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author