Tinatayang lalago ang ekonomiya ng Pilipinas sa ika-apat na kwarter ng 2023.
Ayon kay University of Asia and the Pacific(UA&P) senior economist Victor Abola, posibleng umabot sa 6% ang growth rate ng gross domestic product (GDP) noong October hanggang December 2023.
Ini-uugnay ito ni Abola sa kasalukuyang datos ng unemployment rate, partikular noong November kung saan, bumaba ito sa 3.6% mula sa 4.2% na naiulat noong October, ang pinaka-mababang bilang simula noong 2005.
Inaasahan naman ng mga opisyal ng gobyerno na ma-aabot ng bansa ang 7.4% na paglago ng ekonomiya sa huling kwarter nang nakaraang taon. —sa panulat ni Airiam Sancho