Ipinangako ni Department of Education (DEPED) Secretary at Vice President Sara Duterte-Carpio na isusulong nito ang mga reporma sa edukasyon bilang tugon sa paulit-ulit na problema ng sektor.
Sa Basic Education Report (BER) 2023, inamin ni VP Duterte ang mga hamon sa sektor ay nangangailangan ng sama-samang aksyon mula sa pamahalaan.
Nangungunang concern ng DEPED ay ang kakulangan mga silid-aralan at pagsasaayos sa mga nasirang paaralan dulot ng kalamidad na nakaaapekto sa educational spaces ng mga mag-aaral.
Sinabi ni VP Duterte na hindi naman bulag ang kagawaran upang hindi makita ang katotohanan na kailangang magtayo, magkumpuni at panatilihin ang mga imprastraktura para sa lumalaking bilang ng mga mag-aaral sa buong Pilipinas.
Binigyang diin ng Bise-Presidente na naglaan ang DEPED ng pondo para sa pagtatayo ng mas matitibay na mga silid-aralan simula ngayong taon.