dzme1530.ph

Ecowaste, nagbabala sa ilang brand ng krayola

Muling nagbabala ang Ecowaste Coalition, isang toxic watchdog group sa mga magulang na mag-ingat sa pagbili ng mga kagamitan sa eskwela, kabilang ang mga krayola.

Ito’y matapos madiskubre na ang ilang crayon products ay walang “non-toxic” at iba pang mahahalagang labeling information.

Kasama sa mga natukoy na non-compliant products ang Eagle Crayons, KM Rolling Crayons, BT 21 Jumbo Wax Crayons, Princesa Jumbo Crayons, at Smile Factory Jumbo Wax Crayons na naglalaro sa P22 hanggang P80 bawat set.

Paalala naman ng Ecowaste, dapat may angkop na label ang isang crayon product tulad ng pangalan ng produkto, net content, hazard symbols, address ng manufacturer o distributor, at country of origin upang matiyak ang kaligtasan ng mga batang gagamit nito. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author