Hinimok ni Camarines Sur Cong. L-Ray Villafuerte, ang IATF na alisin ang lahat ng magulo, masalimuot at nakakaubos oras na E-Travel Registration requirement ng mga biyahero.
Ipinaliwanag ni Villafuerte na paraan ito upang mahikayat ang mas maraming turista at mga namumuhunan na bumisita sa Pilipinas para manumbalik ang sigla ng ekonomiya.
Sa kabila nito, pinayuhan ng mambabtas ang taumbayan na mag-ingat pa rin laban sa COVID-19 at patuloy na sumunod sa minimum health standard.
Lalo na umano sa mga seniors, imunocompromised at may comorbidities marapat pa rin ang pagsusuot ng face mask at pagsunod sa social distancing.
Nag-ugat ang panawagan ni Vilafuerte nang sabihin ng World Health Organization na inaalis na nito ang Global Public Health Emergency declaration laban sa COVID-19. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News