dzme1530.ph

E.O no. 22 na nagtatatag ng Water Resources Management Office sa DENR, nilagdaan na ni PBBM

Nilagdaan na ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order no. 22 na nagtatatag ng Water Resources Management Office sa Dep’t of Environment and Natural Resources.

Ito ay sa gitna ng nararanasang water crisis na maaari pang lumala sa harap ng nagbabadyang El Niño.

Sa ilalim ng kautusan, ilalagay na sa ilalim ng DENR ang lahat ng water-related agencies tulad ng National Water Resources Board, Metropolitan Waterworks and Sewerage System, Local Water Utilities Administration at network ng local water districts, at Laguna Lake Development Authority.

Pagsasama-samahin at palalakasin ng WRMO ang mga polisiya, programa, at proyekto ng mga kaukulang ahensya upang maibsan ang mga problema sa suplay ng tubig.

Makikipagtulungan din ito sa Presidential Legislative Liaison Office sa pagsusulong ng batas na lilikha ng Dep’t of Water o Regulatory Commission on Water.

Ang WRMO ay pamumunuan ng isang Undersecretary na itatalaga ng Pangulo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author