dzme1530.ph

“Duterte-style system of cult corruption”, hindi na mauulit —Cong. Flores

Hindi naniniwala si Bukidnon Cong. Jonathan Flores, na ang buong organisasyon ng Philippine National Police ang tinutukoy na ‘largest crime organization’ sa bansa.

Nilinaw ni Flores na ang layunin ng Quad Committee hearings ay ungkatin kung paano mina-nipula ng mga kurap officials at law enforcers ang criminal justice system ng ilunsad ang War on Drugs ng Duterte administration.

Gayunman, may ‘few thousands corrupt police officers’ aniya sa organisasyon, at patunay nito ang mga iniimbestigahang kaso ng PNP-Internal Affair Service at DOJ.

Ayon kay Flores na miyembro ng House Quad Committee, public knowlege ito kung saan DOJ at PNP mismo ang nakakaalam at may hawak ng records.

Idagdag pa aniya ang mga AWOL police officers na naaaresto sa law enforcement operations, at ang nangyayaring hazing sa loob mismo ng PNP Academy.

Dagdag pa ng Mindanaoan legislator, tinutulungan ng Quad Comm ang PNP na malinis ang kanilang bahay at kilalanin ang mga corrupt elements na responsable sa illegal at inhuman policies sa OPLAN Tokhang, POGO, human trafficking at drug trafficking na lahat nangyari sa administrasyon ni former President Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ni Flores, hindi sila papayag na magpatuloy pa ang aniya “Duterte-style system of cult corruption.” —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author