Inakusahan ni Camiguin Gov. XJ Romualdo, sina dating pangulong Rodrigo Duterte at Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez nang pangugulo sa kapayapaan ng Mindanao.
Ayon kay Gov. Romualdo, ang pakulo ng dating Pangulo at dating Speaker of the House na kapwa Mindanaoan ay mapanganib dahil hinahadlangan nito at pilit pinaghahati-hati ang bansa sa ngalan ng kanilang pansariling interes.
Kung siya man aniya ay takot sa posibleng prosecution ng ICC o nais pa nitong maging “politically relevant”, ang malinaw ay mapanganib at labag sa konstitusyon ang kanyang ginagawa.
Tanong nito, kung ang reklamo ni Duterte at Alvarez ngayon ay kahirapan ng Mindanao, ano ang kanilang ginawa noon?
Saad naman ni Cong. JJ Romualdo, nakaka-panlumo na may mga taong kagaya ni Duterte at Alvarez na gustong idiskaril ang nakamit na tagumpay dahil lang sa pansariling interes. —sa panulat ni Ed Sarto