dzme1530.ph

DTI, nagbabala laban sa pagbebenta at pagbili ng ‘mystery parcels’

Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko laban sa pagbebenta at pagbili ng ‘mystery parcels’ sa pagsasabing maiku-konsidera ito bilang fencing o pagbili at pagbebenta ng kagamitan na galing sa nakaw.

Nabatid na matapos ibalik ng delivery rider ang unclaimed items sa online platform, seller o courier, tinatanggal umano ang stickers kung saan nakalagay ang pangalan at address ng original recipient bago ibenta bilang ‘mystery parcels.’

Ayon kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles kahit hindi naipadala ay nananatiling pagmamay-ari pa rin ng orihinal na umorder ang produkto at sinuman ang nagtanggal ng waybill at nagbenta nito ay maaring makasuhan.

Marami ang tumatangkilik sa ‘mystery parcels’ na suwertihan kung ituring ng mga mamimili sa pisikal na tindahan man o sa online, dahil kung minsan ay higit pa sa binayaran ng customer ang halaga ng nabili niyang item.

–Sa panulat ni Lea Soriano-Rivera, DZME News

About The Author