dzme1530.ph

DTI Chief, hinimok ang mga investor mula sa UAE na mamuhunan sa Pilipinas

Hinikayat ni Trade Secretary Alfredo Pascual ang mga investor mula sa United Arab Emirates (UAE) na ikonsidera ang Pilipinas bilang ideal investment destination kasabay ng paglalatag nito ng mga oportunidad sa bansa.

Ginawa ni Pascual ang imbitasyon sa Philippines and United Arab Emirates Forum and Networking na ginanap sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Sinabi ng Kalihim na sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay nakahanda ang Pilipinas sa transition para sa investment-led economy na lilikha ng mas magandang trabaho at mas mataas na suweldo para sa mga Pilipino.

Tinukoy din ni Pascual ang whole-of-government approach ng Marcos Administration para sa episyente at organisadong foreign investments sa bansa. —sa panulat ni Lea Soriano

 

 

About The Author