Inihahanda na ng Department of Social Welfare and Development ang mga stock ng food at non-food items para sa distribusyon sa mga pamilya at komunidad na maaapektuhan ng El Niño.
Sinabi ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na bagaman ang mga local government unit ang unang rumeresponde sa mga sakuna at kalamidad sa kanilang lugar, handa naman ang ahensya na tumugon sa anumang weather disturbances na maaring mangyari sa dry season.
Kahapon ay idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng El Niño Phenomenon sa tropical pacific at ang epekto nito ay inaasahan na sa Pilipinas.
Inihayag din ng state weather bureau na “weak” ang kasalukuyang El Niño subalit nagpapakita ito ng mga senyales na lalakas pa ito sa mga susunod na buwan. —sa panulat ni Lea Soriano