Pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development ang mga kumakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na huwag gamitin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps bilang pangako sa kampanya.
Ayon kay DSWD Spokesperson Asec. Romel Lopez, napapanahon ang langit at lupang mga pangako mula sa mga nais maglingkod sa bayan ngunit wala aniya sa mga barangay official ang kapangyarihan na isama ang mga pamilya sa programa.
Aniya, bukod tanging DSWD lang ang makapagdedesisyon at aakay sa lahat ng 4Ps beneficiaries.
Sinabi pa ng DSWD official na naka-suporta ang kanilang ahensiya sa lahat ng hakbanging makapagdaragdag sa halaga ng monthly cash grant ng mga benepisyaryo lalo ngayong tumataas ang presyo ng bilihin dahil sa inflation.