dzme1530.ph

DSWD, namahagi ng mahigit P12,000 sa mahigit 200 mangingisda na naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro

Namahagi ang Department of Social Welfare and Development ng cash assistance na P12,236 sa bawat 246 na mga mangingisda na mayroong bangkang de motor mula sa Roxas, Oriental Mindoro.

Ang mga tumanggap ay kabilang sa 24,698 na mga mangingisda sa buong bansa na naapektuhan ng oil spill noong February 28 sa Oriental Mindoro.

Sa pamamagitan ng kanilang MIMAROPA Field Office, ipinagkaloob ng DSWD ang cash payouts sa ilalim ng Emergency Cash Transfer Program.

Sa ilalim ng programa, ang mga mangingisda na mayroong bangkang de motor ay makatatanggap ng P12,236 na financial assistance habang ang mga mayroong non-motorized na bangka ay pagkakalooban ng P6,118.

About The Author