dzme1530.ph

DSWD, nakikipag-ugnayan sa ERC kaugnay sa electricity lifeline rate program ng 4Ps beneficiaries

Nakikipag-ugnayan ang Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) sa Energy Regulatory Commission (ERC) na maisaayos ang mga kinakailangan sa pagpaparehistro sa electicity lifeline rate program.

Ayon kay 4Ps party-list Rep. JC Abalos, isa sa nakikita niyang magiging problema ng mga benepisyaryo na nais makakuha ng lifeline rate ang pagsusumite ng ‘electricity bill.’

Ani Abalos, kadalasan kasing nakikitira o nagrerenta lang ang mga 4Ps beneficiaries kaya’t ang bill sa kuryente ay hindi nakapangalan sa kanila.

Tiniyak naman ni Committee on Appropriations Vice Chair Jocelyn Limkaichong, na sponsor ng budget ng DSWD, na kinakausap na ng ahensya ang ERC kaugnay sa nasabing usapin. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author