dzme1530.ph

DSWD, nagpaliwanag sa pagkakaiba ng food stamp program at 4Ps

Magkaiba ang layunin ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program (FSP) sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Ito ang nilinaw ni Dept. of Social Welfare and Development Usec. for Innovations Eduardo Punay na pangunahing tinutugunan ng FSP ang food insecurity sa mga mahihirap na pamilya sa bansa, habang ang 4Ps naman ay nakatuon sa layunin na maiangat sa kahirapan ang mga benepisyaryo nito.

Binigyang-diin din ni Punay na may ilang kondisyon ang food stamp program, kabilang ang paglahok ng mga benepisyaryo sa nutrition education sessions, aktibong partisipasyon sa skills training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at pagdalo sa mga job fair ng Dept. of Labor and Employment.

Nabatid na ang programa ay nakahanay sa inisyatibo ng Administrasyong Marcos para sa whole-of-nation approach sa pagtugon sa kahirapan at kagutuman sa bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author