dzme1530.ph

DSWD, magsasagawa na ng pilot test ng food stamp program sa gitnang bahagi ng taon

Ilulunsad na ng Dep’t of Social Welfare and Development ngayong taon ang “Walang Gutom 2027” o food stamp program, o ang pamamahagi ng food coupons sa pinaka-mahihirap na pamilyang nakararanas ng gutom.

Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni DSWD sec. Rex Gatchalian na aarangkada ang pilot stage mula Hulyo hanggang Disyembre sa mga tutukuying pilot sites.

Sa unang bahagi ng programa, pipiliin ang 3,000 pamilyang nasa pinaka-ilalim ng “Listahanan 3” o Food Poor Criteria ng Philippine Statistics Authority, at ang kanilang family income ay hindi dapat lalagpas sa P8,000 kada buwan.

Bibigyan sila ng tap cards na lalagyan ng load para sa food credits na nagkakahalaga ng P3,000, para ipambili ng mga piling pangunahing pagkain sa DSWD accredited local retailers.

Samantala, bukod sa 3,000 pilot beneficiaries ay kabuuang 1-M pamilya ang target na mabigyan ng food stamps sa full implementation ng programa sa mga susunod na taon.

Layunin ng programa na matugunan ang pagkain at enerhiyang kinakailangan ng bawat mahihirap na indibidwal upang matupad nila ang pang-araw araw na gawain tulad ng trabaho, tungo sa paghahatid ng kapikanabangan sa lipunan at sa nation building. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author