Magbubukas ang Dep’t of Social Welfare and Development (DSWD) ng bagong satellite offices para mapalawak ang pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa Metro Manila at Bulacan.
Ayon kay DSWD Asec. for Community Engagement Uly Aguilar, ito ay upang ma-decongest o maibsan ang mahahabang pila sa mga kasalukuyang AICS areas, at mas mabilis na maihatid ang tulong sa mga kliyente.
Ang bagong AICS offices ay mag-ooperate na simula ngayong araw, kabilang ang CAMANAVA satellite office sa Monumento, at Baclaran Satellite Office sa tabi ng Baclaran Church para sa mga taga- Pasay City, Parañaque, Muntinlupa, at Las Piñas.
Bukod dito, bubuksan din sa mayo ang Remote AICS Processing Areas sa Pasig City at San Jose del Monte City Bulacan.
Ang AICS ang tulong na ibinibigay ng DSWD para sa mga indibidwal o pamilyang nahaharap sa mga hindi inaasahang krisis tulad ng pagkamatay ng miyembro ng pamilya, mga kalamidad, at iba pa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News