Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng Emergency Cash Transfer (ECT) payouts sa mga biktima ng pinagsamang epekto ng bagyong Egay at Habagat sa Ilocos Region.
Sinabi ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na alinsunod ito sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na walang residente na lubhang naapektuhan ng bagyo ang magugutom.
Hindi naman tinukoy kung magkano ang inilaang ayuda para sa mga biktima, bagaman may agarang relief na dumating sa pamamagitan ng family food packs.
Bukod sa ECT Program, inihayag ni Gatchalian na mayroong cash-for-work na tatagal ng 30 hanggang 45-araw, para makatulong sa mabilis na pagbangon ng mga biktima ng kalamidad. —sa panulat ni Lea Soriano