Hinihintay na lamang ng Department of Social Welfare and Developmen (DSWD) ang ₱9.7B pondong ilalabas ng Dep’t of Finance (DOF) para sa financial assistance ng mga pamilyang naapektuhan ng inflation.
Ayon kay DSWD Asec. Rommel Lopez, pinoproseso na ng DOF ang pagre-release ng pondo upang magbigay ng tag-₱1K ayuda sa 9.3M pamilya sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Nabatid na sinabi ni Finance secretary Benjamin Diokno noong nakaraang buwan na magbibigay ang pamahalaan ng cash aid sa ilalim ng extendend Targeted Cash Transfer (TCT), na inilunsad nang nakaraang administrasyon.
Maliban dito, magpo-provide rin ang gobyerno ng subsidiya tulad ng fertilizer discount voucher o fuel discount sa mga magsasaka at mangingisda, at fuel subsidy para sa mga transport sector na apektado ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.