dzme1530.ph

DSWD: 1.2 milyong katao apektado ng matinding pagbaha dulot ng LPA at Shear Line

Lumobo na sa 1.2 milyon ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng matinding pagbaha bunga ng Low Pressure Area (LPA) at Shear Line sa limang rehiyon.

Sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center umabot na sa kabuuang 300,545 na pamilya ang apektado sa 1,550 na Barangay sa Regions 5, 6, 7, 8, at 10.

18,343 pamilya o 76,138 katao ang nananatili sa 155 evacuation centers habang 7,833 pamilya o nasa 35,525 katao ang pansamantalang nakikituloy sa kanilang mga kaanak o kaibigan.

Samantala, kabuuang 309 na bahay ang napinsala ng pagbaha, kabilang ang 58 bahay na totally damaged at 251 na partially damaged.

Nakapaghatid na ang DSWD ng 93.7 milyong pisong halaga ng food at non-food items sa mga apektadong pamilya.

 

—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author