dzme1530.ph

Driver-operator ng traditional jeepney sa Bacolod City, kinasuhan makaraang sumunod sa consolidation requirement

Ibinahagi sa Kamara ng isang driver-operator ng traditional jeepney mula sa Bacolod City ang masamang karanasan matapos sumunod sa consolidation requirement.

Kwento ni Philip Burata, may mga units sila ng modernized jeep sa ilalim ng Choret Corporation na na-consolidate sa Santa Fe at San Dionisio Central Market, na ayon sa SEC Registration ay naka-pangalan sa korporasyon ang kanilang unit.

Matapos makuha ang prangkisa at gumastos sa compliance, pilit na umanong kinukuha ng korporasyon ang kanilang sasakyan at iginigiit na sila ang may-ari nito.

Inereklamo umano nila ito sa LTFRB subalit walang ginawa kaya dumulog na sila sa SEC at doon natuklasan na wala ang kanilang pangalan sa korporasyon.

Kinasuhan pa aniya sila ng 38-counts of carnapping, at ang 44 units na inaprubahan sa kanilang ruta ay pwersahan ng kinuha ng korporasyon.

Nangako naman si LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na iisyuhan nya ng Show Cause Order ang korporasyon, kasabay ng pag-amin na walang ganyang kaso na naire-report sa kanya. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author