dzme1530.ph

Driver ng kotse na nag-viral nang manapak, kasahan ng baril ang nakaalitang siklista sa kalsada, sumuko na

Sumuko sa Quezon City Police District ang driver ng kotse na nagkasa ng baril sa isang siklista sa gitna ng alitan sa trapiko.

Ayon kay QCPD Dir. PBGen. Nicolas Torre III, sa loob ng 30-minuto ay napasuko nila ang motorista na dinala sa Anti-Carnapping Unit dahil kailangang i-verify ang plate number ng sasakyan nito, at isinurender din nito ang kanyang baril.

Nag-viral sa social media ang video ng motorista na kinilalang si Wilfredo Gonzales makaraang pagmumurahin, sapakin at kasahan ng baril ang siklista na nakabunggo sa kotse nito noong Aug. 8.

Nabatid naman mula kay Gonzales na nagkaayos na sila ng siklista. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author