Nagpapatuloy ang dredging activities sa Cavite sa kabila ng suspensyon sa 22 reclamation projects sa Manila Bay.
Sa X (dating Twitter), sinabi ng PAMALAKAYA Pilipinas na mayroong mga naispatang barko na nagsasagawa ng dredging operations sa Rosario, Noveleta, Tanza, at Naic, kahapon ng umaga.
Inihayag ng PAMALAKAYA na nawalan ng 80 hanggang 90% ng kanilang arawang kita ang maliliit na mangingisda sa Cavite simula nang mag-umpisa ang dredging activities dalawang taon na ang nakalilipas.
Bunsod nito ay nanawagan ang grupo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maglabas ng Executive Order para i-ban ang reclamation. —sa panulat ni Lea Soriano