dzme1530.ph

Draft ng panukalang amyenda sa Omnibus Election Code, natapos na ng Comelec

Natapos na ng Comelec ang 964-page draft ng panukalang amyenda sa Omnibus Election Code.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ang panukalang revision ay kinabibilangan ng mga probisyon sa pag-overhaul ng party-list system at mga pagbabago sa gastos sa pangangampanya.

Sinabi ni Garcia na umaasa silang maisusumite nila ang draft sa kongreso sa susunod na linggo para sa fine-tuning.

Idinagdag ng Poll Chief na isinusulong ng Comelec ang bagong set of legislation na magpapabuti sa Electoral System ng bansa, kabilang ang panukala na payagan ang online voting para sa Overseas Filipino Workers at Seafarers.

About The Author