dzme1530.ph

Dr. Tony Leachon, nagbitiw bilang DOH Adviser

Nag-resign na si Dr. Tony Leachon bilang special adviser ng Department of Health, isang buwan pa lamang ang nakalilipas mula nang maitalaga siya sa puwesto.

Sa sulat ni Leachon kay Health Secretary Ted Herbosa, nakasaad na effective immediately ang kanyang pagbibitiw.

Idinagdag ng health expert na ginawa niya ang desisyon matapos ang maingat na konsiderasyon, at batay sa personal na mga dahilan na pinaniniwalaan niyang makabubuti sa kanyang sarili, pamilya, at kinabukasan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author