dzme1530.ph

Dr. Leachon, itinalaga bilang Special Adviser for Non-Communicable Diseases ng DOH

Itinalaga ni Health Secretary Ted Herbosa si Dr. Tony Leachon bilang bagong Special Adviser for Non-Communicable Diseases ng Department of Health.

Sinabi ni Herbosa na ang pagtatalaga kay Leachon ay magiging kapaki-pakinabang sa publiko dahil sa malawak nitong kaalaman at karanasan sa larangan ng medisina.

Tiniyak ng kalihim na sa tulong ni Leachon, ramdam ng bawat Pilipino ang kalusugan, dahil sa Healthy Pilipinas, bawat buhay ay mahalaga.

Si Leachon ay isang Internist at Cardiologist, at nagsisilbi sa Manila Doctor’s Hospital.

Dati rin siyang nagsilbi bilang Special Consultant ng National Task Force against COVID-19 sa nakalipas na Duterte Administration.—sa panulat ni Lea Soriano

About The Author