dzme1530.ph

DPWH tuloy-tuloy sa libreng sakay sa mga commuter

Tiniyak ni DPWH-NCR Regional Dir. Loreta M. Malaluan na magpapatuloy ang tulong ng DPWH NCR sa commuters hanggang sa bumalik sa normal ang operasyon ng mga Jeepney sa kalsada.

Kasunod na rin ng transport strike na “Tigil Pasada” na nagsimula pa noong Hulyo 24 hanggang 26, 2023.

Magugunita na kaisa sa Serbisyong Publiko ang tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) -NCR sa pagbibigay ng libreng sakay para sa mga commuter sa pamamagitan ng 13 ruta ng paglalakbay sa paligid ng Metro Manila gamit ang kanilang Vehicular Asset o mga Sasakyan.

Bilang pangunahing na ring pangangailangan sa pag-asam sa kakulangan o pampublikong sasakyan, mula sa mga lungsod ng Pasig; Marikina, Valenzuela, Manila, San Juan, Muntinlupa, Navotas, Las Piñas, at Quezon City.

Kabilang sa pinagkalooban ng mga ibat-ibang sasakyan ang siyam na District Engineering Offices (DEOs), na nag-ooperate mula alas 7:00 AM hanggang sa kabuuan ng araw na sinimulan mula July 24, hanggang sa kasalukuyan July 26,  2023. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author