dzme1530.ph

DPWH, humihirit ng pondo sa ADB para sa Laguna Road Project

Nakipagpulong muli ang Department of Public Works and Highways sa mga opisyal ng Asian Development Bank upang humiling ng funding assistance para sa Phase 1 ng Laguna Lakeshore Road Network (LLRN) Project.

Sinabi ni DPWH secretary Manuel Bonoan na malapit nang matapos ang detailed engineering design ng multi-billion project, at nangangailangan ang ahensya ng pondo mula sa financial institutions para masimulan ang LLRN.

Ang phase 1 ng proyekto na nagkakahalaga ng P174.3-B ay kinapapalooban ng konstruksyon ng 21.5-kilometer viaduct at 15.9-kilometer embarkment sa kahabaan ng west shoreline ng laguna lake, mula sa Barangay Lower Bicutan sa Taguig hanggang Calamba City sa Laguna.

Saklaw din nito ang konstruksyon ng walong interchanges na ipinanukala para idugtong ang municipal boundaries sa pinakamalalapit na kalsada sa kahabaan ng Lower Bicutan, Sucat, Alabang, Tunasan, San Pedro/Biñan, Santa Rosa, Cabuyao, at Calamba City sa Laguna.

About The Author