dzme1530.ph

DoTr, tiniyak na hindi maaapektuhan ng mababang budget para sa taong 2025, ang mga nakalatag nitong proyekto

Siniguro ng Dept. of Transporation (DoTr), na hindi maaapektuhan ang mga nakalatag na proyekto, dahil sa mas mababang budget allocation, para sa taong 2025.

Inamin ni DoTr Usec. Timothy John Batan, na maaapektuhan nito ang ilang mga proyektong plano ng DoTr sa sususnod na taon, ngunit kaya pa rin itong gawan ng paraan, upang maisakatuparan ang mga plano.

Ayon sa DoTr, kapos ng ₱20-Billion, ang inaprubahang budget nng ahensya, para sa 2025, mula sa nauna nitong proposal.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni batan na matutuloy pa rin ang pagsasagawa ng 69 na infrastructure projects sa Aviation, Maritime, Railway at Road Transportation sector, sa ilalim ng administrasyong Marcos.

About The Author