Kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na itutuloy ang planong fare discount para sa mga pasahero ng Public Utility Vehicles, kabilang ang jeep, at mga bus.
Ayon kay DOTr sec. Jaime Bautista, kung ibibigay ang naunang panukalang diskwento, napakaikling panahon lang ang anim na buwan at mauubos lamang ang pondo.
Sa ilalim ng proposed discounts, target ng ahensiya na ibalik muli sa ₱9.00 ang pasahe sa traditional jeep, na sa kalukuyang ₱12.00.
Matatandaang, Marso nang ihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakahanda na ito sa pagpapatupad ng fare discounts at may pondo ng ₱1.2-B mula sa d.o.t.r, para sa PUV Service Contracting Program.
Ayon pa sa Kalihim, maglalaan na lamang ang kagawaran ng budget bilang subsidiya sa driver at operator sa mga naluluging ruta, sa halip na ipatupad ang naunang planong diskuwento.