dzme1530.ph

DOTR, pinag-aaralan ang mas mahabang concession period para sa pagsasapribado ng NAIA

Pinag-aaralan ng Department of Transportation na isama ang probisyon na maaring palawigin ng panibagong sampung taon ang concession period sa kanilang solicited proposal sa pagsasapribado ng operasyon ng Ninoy Aquino International Airport.

Ang P141-B solicited privatization bid ay humihiling ng 15-taong concession period para i-operate ang NAIA.

Noong nakaraang buwan ay nagsumite ang DOTr at ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng joint proposal para sa NAIA Public Private Partnership (PPP) project para sa approval ng NEDA board. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author