dzme1530.ph

DOTr, muling kinalampag sa tila palpak na PUV Modernization

Muling kinalampag ni Sen. Grace Poe ang Department of Transportation sa ipinipilit na Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program na makakaapekto sa kabuhayan ng mahigit na 300, 000 na mga tsuper.

Sa kaniyang manifestation sa ratification ng P5.7-T na 2024 National Budget, sinabi ni Poe na P1.6-B ang nakalaan muli na pondo para sa kulang sa plano na PUVMP sa 2024.

Sinabi ni Poe na nakakaalarma na ang nangyayari sa DOTr dahil 2018 pa nila sinimulang pondohan ang paggawa ng ruta.

Ngunit hanggang ngayon ay 155 lang mula sa 1,575 LGU’s ang aprubado o 9.5% lamang.

Wala anyang ginawa ang DOTr kundi mangako ngunit wala namang natutupad.

Panay din ang bigay nila ng deadline sa mga tsuper gaya ng Dec. 31, 2023 para mag-consolidate ngunit sila mismo sa DOTr ay hindi nagagawa ng maayos ang kanilang trabaho.

Puna pa ng senador na puro imported din at mahal na mga modern Jeepney ang Gusto ng DOTr at walang programa para sa mga local manufacturers at mga kasalukuyang Jeep na papasa sa standard.

Sa kabila nito ay kapos naman ang subsidiya na ibinibigay ang gobyerno sa ating mga tsuper na nanganganib mawalan ng hanapbuhay. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author