dzme1530.ph

DOTr, itinangging may pinaboran sa pag-award ng mga ruta

Itinanggi ng Department of Transportation ang alegasyon na pinaboran nito ang mga korporasyon kumpara sa tradisyunal na jeepney drivers at operators sa pag-award ng mga ruta.

Iginiit ng DOTr na palaging patas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagpapatupad ng kanilang mandato, at lahat ng transport government agencies ay nananatiling bukas sa dayalogo para sa mga grupo na mayroong mga hinaing.

Una nang inanunsyo ng grupong Manibela na ilan sa kanilang mga kasamahan ang maglulunsad ng tigil pasada sa July 24 hanggang 26 makaraang i-award ng DOTr ang mga ruta sa mga korporasyon o sa local government units, sa halip na sa transport cooperatives.

Bunsod nito, hinamon ng ahensya ang Manibela na patunayan ang kanilang akusasyon sa pamamagitan ng ebidensya, kasabay ng pagsasabing ang planong strike ng grupo ay para lamang kunin ang atensyon ng media at simpatya ng publiko, at hindi para tugunan ang lehitimong concerns ng PUV drivers at operators. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author