dzme1530.ph

DOT, tinerminate ang kontrata sa Ad Agency na gumamit ng stock footage para sa “Love the Philippines” promotional video

Inanunsyo ng Department of Tourism na “tinerminate” na nito ang kontrata sa DDB Philippines, ang partner advertising firm ng ahensya, na gumamit ng stock footage shot mula sa iba’t ibang mga bansa para sa tourism promotional video ng Pilipinas.

Ito’y matapos tumanggap ng mga puna mula sa publiko ang unang “Love the Philippines” tourism promotion video ng D.O.T, na naglalaman ng clips mula sa Thailand, Indonesia, at United Arab Emirates.

Sa statement, sinabi ng DOT na ang paghingi ng paumahin sa publiko ng DDB Philippines at pag-amin sa pagkakamali, ay repleksyon ng kabiguan ng kumpanya na tuparin ang obligasyon nito sa ilalim ng kontrata, kaya may karapatan ang ahensya na tapusin na ang kanilang kasunduan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author