dzme1530.ph

DOT, nilinaw na matagal nang naka-plano ang leave ni Sec. Christina Frasco

Kinumpirma ng Department of Tourism na nag-leave ng isang linggo si Sec. Christina Frasco, simula bukas, July 13, kasabay ng paglilinaw na naka-plano na ito bago pa man ilunsad ang bagong tourism campaign.

Sa statement, sinabi ng DOT na May 9 pa lang ay naghain na si Frasco ng Leave Application at inaprubahan naman ito ng Office of the President noong May 23.

Tiniyak naman ng ahensya na dadalo ang kalihim sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa July 24.

Layunin umano ng maiksing leave ni Frasco na makasama ang kanyang pamilya.

Magsisilbi naman bilang officer-in-charge ng DOT si Usec. Elaine Bathan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author