dzme1530.ph

DOT, maglulunsad ng bagong tourism slogan

Maglulunsad ang Dep’t of Tourism ng bagong tourism slogan para sa Pilipinas.

Ayon kay DOT sec. Christina Frasco, ang bagong slogan ang papalit sa matagal nang ginagamit na slogan na “It’s More Fun in the Philippines”.

Ito ay alinsunod din sa National Tourism Development Plan 2023-2028 na inaprubahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Sa ilalim nito, bibigyang diin ng DOT ang “heart and soul” ng mga Pilipino na makikita sa ating kultura, mga fiesta, pagkain, mga lokal na produkto, at ang living cultural heritage.

Inaasahang ilalabas ang bagong tourism slogan sa mga susunod na linggo, at tiniyak ni Frasco na magsasagawa sila ng konsultasyon sa tourism stakeholders upang kunin ang kanilang opinyon.

Siniguro rin ng kalihim na magugustuhan ng publiko ang bagong tourism brand. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author