dzme1530.ph

DOT, kumpiyansa na maabot ang 4.8 million target na foreign traveller’s ngayong taon

Kumpiyansa ang Department of Tourism (DOT) na maabot nito ang 4.8 milyon target na dayuhang turista na papasok sa bansa.

Ayon kay Tourism Sec. Christina Frasco noong Setyembre 27, halos nakatanggap na sila ng 4 milyong bisita mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Ito ay nagmamarka ng higit sa 82% target na itinakda para sa taong 2023.

Magdulot anya ito ng malaking pakinabang sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pag-aambag ng mahigit P316-B ngayong taon. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author