![]()
Muling mapapanood sa mga sinehan sina Donny Pangilinan at Belle Mariano para sa pelikulang “Tayo sa Wakas.”
Umabot agad sa 5.9 million views ang teaser ng nasabing pelikula sa mga social media platform.
Balik tambalan ang “Don-Belle” matapos ang ilang taong magkahiwalay na gumawa ng kani-kanilang sariling proyekto.
Taong 2022 nang huling magsama ang dalawa sa pelikulang “An Inconvenient Love.”
Ibinida ng DonBelle na kakaiba ang konsepto ng kanilang bagong pelikula kaya dapat itong abangan.
Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang ‘Tayo sa Wakas’ sa May 27.
