Kumpiyansa si Future Hall of Famer at Filipino Boxing star Nonito Donaire na kaya niyang pabagsakin si Alexandro Santiago ng Mexico sa kanilang pagtutuos ngayong weekend.
Nabatid na gaganapin ang WBC Bantamweight world championship sa T-Mobile Arena, Las Vegas, Nevada sa Hulyo 29.
Sinabi pa ng tinaguriang The Filipino Flash na hangad niyang basagin ang sariling record bilang oldest Bantaweight Champion sa edad na 40.
Ang sagupaang Donaire at Santiago ay undercard sa World Unification Bout nina Errol Spencer Jr. at Terrence Crawford. —sa panulat ni Airiam Sancho