dzme1530.ph

DOLE, naglaan ng P450 million na ayuda para sa jeepney drivers

Naglaan ng tulong pinansyal ang Department of Labor and Employment sa mga jeepney driver na maaapektuhan ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez, ang pamahalaan, partikular na ang Department of Transportation, ay naglaan ng P450 million na tulong pinansyal.

Paliwanag ni Benavidez, kung hindi na palalawigin ang deadline ng franchise consolidation ay bulto-bulto ang dadagsa upang mag-apply para sa assistance sa Enero.

Ipinagmalaki rin ni Benavidez na handa na ang kanilang pondo para rito.

Hinimok din ng DOTr ang mg apektadong jeepney driver at operator na humingi ng tulong sa iba pag ahensya tulad ng Office of the Transportation Cooperatives, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, at DOTr.

About The Author