Tiniyak ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang taas-sahod ng manggagawa sa lalong madaling panahon.
Ito’y kasunod ng atas ng Pang. Ferdinand Marcos Jr. na repasuhin ng national wages and productivity commission ang kanilang mga panuntunan upang matiyak ang regular na schedule ng wage review.
Sinabi ni Laguesma na bago ang anibersaryo ng pinaka-huling wage order ay magpapatupad muli ang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBS) ng bagong wage order.
Ipinaliwanag naman ng DOLE chief na hindi pare-pareho ang petsa ng anibersaryo ng mga umiiral na wage rates sa 17 rehiyon sa bansa.